Linggo, Agosto 23, 2009

PERLAS NG SILANGAN





PERLAS NG SILANGAN o PEARL OF THE ORIENT kung tawagin ang ating mahal na bansang Pilipinas. Alam naman natin marahil ang awiting Pilipinas kong Mahal napakaganda ang awiting iyon maikli ngunit makabuluhan at may puso ang bawat linya ng awitin. Kung aawitin natin ang kantang iyon ng isinasapuso at hindi lamang basta umawit at ibuka ang mga bibig para lamang masabayan ang mga linya at tono ng awitin marahil ay mapapaisip tayo sa mga taong naging parte ng pagpapalaya sa atin sa mga mananakop na nagsamatala at umabuso sa ating pagiging mabuti sa kanila ito rin marahil ang dahilan kung bakit napakatagal ng ating hinintay para tayo ay mapalaya sa kamay ng mga mananakop.



Ang Pilipinas ay bansa ng mga magigiting, matatalino at mabubuting tao. Ito ang inang bayan ng ating mga kauri. Magkakaiba man ang ating pinagmulan sa ibat-ibang sulok ng Pilipinas ito parin ang ating itinuturing na tahanan iisa parin ang ating tatawagin na bansa at ito ay ang ating Bansang Pilipinas. Malaki rin ang pasasalamt natin sa mga bayani n gating bansa dahil sila ay nagbahi ng kanilang kagitingan at maging ang kanilang sariling buhay para lamang maipagtanggol at mapalaya an gating inang bayan.

-GUMAMELA-

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento