Ang bansang Pilipinas ay mayaman sa magaganda nitong tanawin kaya naman maraming mga dayuhan ang nahuhumaling sa taglay nitong ganda. alam natin na ang bansang Pilipinas ay tinawag din na perlas ng silangan o pearl of the orient sa wikang Ingles. ang Pilipinas ay hindi lamang nagtataglay ng mga magagandang tanawin at ang pinakamahalagang yunit ng isang bansa ay ang mga tao na bumubuo dito. nagbabago ang panahon at sa pagbabagong nagaganap nagbabago rin ang lipuna, pamayanan at maging ang mga namumuno dito.Marami mang pagbabago ang nagaganap hindi dapat maging hadlang iyon para sa mas ikauunlad ng bansang Pilipinas.
Modernisasyon ang dahilan sa mga pagbabagong nagaganap sa ating bansa. kung noon maraming magagandang tanawin ang makikita ngayon ay tila nababawasan na at bumababa ang kaledad ng mga tanawin at dahil sa mga bagay na iyon ay naapektuhan din ang pamumuhay ng ating mga ninuno na naninirahan sa mg liblib na lugar na tanging pagtatanim at pag
- aagrikultura lamang ang ikinabubuhay. ang mga pagbabagong iyon ay hindi naman dapat natin ikagalt o ikasama ng loob marapat nga na iyon ang magpasiklab sa ating damdamin upang mas mapaunlad ang ating inang bayan sa pamamaraan na alam natin na magdudulot ng kabutihan hindi lamang para sa isa kundi para sa mga nasasakupan natin lahi. Pilipinas ang ating bansa at tayo ay nabibilang sa lipunang bumubuo rito kaya dapat na tayo ay magbigay importansya at halaga sa mga makabuluhang bagay na patungkol sa ating bansa.
Si Manuel L. Quezon ay ang ama ng wikang Pilipino siya ang dahilan kung bakit tayo nagkaroon ng sariling wika. Pilipino ang wika natin kaya marapat na ito ay ating tinatangkilik bilang paggalang at pagbibigay importansiya sa ginawa ng ama ng wika. Ang ating responsibilidad bilang mamamayan ng ating bansa ay pahalagahan at ingatan ang mga nasimulan ng ating salinlahi upang hindi mabaliwala ang mga paghihirap at ang mga dugo at pawis na ibinuwis ng ating mga pinuno.
Pilipino ka, Pilipinas ang bayan mo, Filipino ang wika mo kaya dapat ito ay isapuso, isaisip, at isagawa sa lahat ng panahon bigyan ito ng sapat na interes at paguukol ng sapat na panahon upang malaman at matutunan ang lahat ng bagay na pumapaloob sa iyong lahi. Pilipino ka, taas noo kahit kanino, ipagmalaki ang lahing Pilipino.
-GUMAMELA-